Si
Bertrand Arthur William Russell, ikatlong Earl Russell, OM, FRS (
Mayo 18,
1872–
Pebrero 2,
1970), ay isang
pilosopo, dalubhasa sa
kasaysayan, eksperto sa matematikal na
lohika, tagataguyod ng repormang panlipunan at pasipista. Bagaman kadalasang tinuturing bilang isang Ingles, ipinangnak siya sa
Wales. Isang mabungang manununulat, ginawa niyang tanyag ang
pilosopiya at naging isang komentarista sa isang malawak na iba't ibang mga paksa. Pinagpapatuloy ang isang tradisyon ng pamilya sa mga bagay
pampolitika, namamayani siya bilang isang aktibistang laban sa digmaan, pinagtatanggol ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga
bansa at kontra-imperyalismo. sinulat niya ang sanaysay na
On Denoting at kasamang may-akda (kasama si Alfred North Whitehead) ng
Principia Mathematica, isang pagsubok na ipako ang
matematika sa mga batas ng
lohika. May malaking impluwensiya sa
lohika, teoriyang tangka (
set theory),
linggwistika at pilosopiyang nagsusuri (
analytic philosophy).