Ang
Bhagavad Gita ay isang banal na aklat sa
Hinduismong naisulat libu-libong mga taon na ang nakararaan. Mayroon itong mga pagtuturo o pangangaral na itinuturing na ibinigay ni
Krishna, isang inkarnasyon ng
diyos na si
Vishnu sa anyong tao, ayon sa paniniwala ng mararming mga
Hindu. Sa aklat na ito, nakikipag-usap si Krishna kay Arjuna, isang tagapana, bago magsimula ang digmaang
Kurukshetra. Sinabi ni Krishna kay Arjuna na kailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin o
dharma para sa kanyang
antas sa lipunan, at sumulong upang makipaglaban. Nag-alinlangan si Arjuna sapagkat makikipaglaban siya sa kanyang mga
kaibigan, ngunit nakinig din siya kay Krishna sa bandang huli. Walang hanggang hindi na siya mapupunta sa
Mundong Ilalim dahil sa kanyang mga
kasalanan o
pagkukulang sapagkat daraan na siya sa proseso ng
reinkarnasyon.