Ang
Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng
Himalaya, sa pagitan ng
India at
Tsina sa
Timog Asia.
Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na
Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga
dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng
Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman),
Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng
cypress), at
Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang
Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang
Sanskrit na
Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o
Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang
Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng
ika-9 na siglo BC.