Bibliya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Bibliya
Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.
Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga relihiyosong kasulatan na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon. Sa Hudaismo ang bibliya ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh(o Lumang Tipan) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipan. Para sa relihiyong Samaritanismo, ang bibliya ay binubuo lamang 5 aklat ng Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo at Bilang). Sa Marcionismo, ang bibliya ay binubuo ng 11 aklat at hindi kasama dito ang Lumang Tipan. Sa Katolisismo, ang bibliya ay binubuo ng 73 aklat kasama ang Lumang Tipan at Bagong Tipan at ang Apokripa. Sa Protestantismo, ang bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan at hindi kasama rito ang apokripa ng Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang biblia ay binubuo ng 81 na aklat at sa Silangang Ortodokso, ang bibliya ay binubuo ng 84 na aklat.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.