Ang
bautismo ay isang sakramento o ritwal ng mga
Kristiyano na ginagawaran ng paglulubog sa tubig o pagbubuhos ng banal na tubig sa may ulunan ng sanggol o maging nasa-edad na, bilang tanda ng pagiging bahagi niya sa pamayanang Kristiyano. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mabuting Kristiyano ang binibinyagan. Tinatawag itong binyag sa
Simbahang Katoliko Romano, subalit ginagamit ang salitang
buhos kapag hindi pari ang nagsasagawa ng pagbibinyag. Isang pagdadalisay na pang-pananampalataya ang
pagbabautismo sa pamamagitan ng banal na
tubig. Ginagawa ang seremonyas na ito ilan pang mga
relihiyon, bukod sa Katolisismo at Kristiyanismo, katulad ng Mandaenismo,
Sikhismo at ilang mga sekta ng
Hudaismo. Sa
wikang Griyego. Bukod sa paglulubog, isa ring paghuhugas sa pamamagitan ng tubig ang pagbabautismo na sumasagisag sa pagkakatanggal ng mga kasalanan ng isang tao, at sa pagsapi ng taong ito sa mag-anak ng Diyos, at sa kaniyang pagiging kaisa sa pagkamatay ni Hesus (dahil sa kasalanan ng tao) at sa muling pagkabuhay ni Hesus (sumasagisag sa bagong buhay).