Blaise Pascal


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Blaise Pascal
Si Blaise Pascal (1623 - 1662) ay isang Pranses na matematikong namatay ang ina noong tatlong taong gulang pa lamang siya. Itinuring si Pascal bilang isang batang may kahanga-hangang kakayahan at katalinuhan. Bagaman higit na kilala sa kanyang mga nagawa para sa larangan ng matematika, kabilang ang paglikha ng Tatsulok ni Pascal na pinangalanan mula sa kanyang apelyido, at maging sa mga kaunlaran sa larangan ng probabilidad, isa ring siyentipiko si Pascal. Sumulat siyang tinatangkilik ang paraang makaagham o metodong siyentipiko at nag-ambag rin sa larangan ng pisika. Sa paglaon, nagsulat siya ng dalawang mga aklat ukol sa Kristiyanismo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.