Ang
Brasil (opisyal:
Pederatibong Republika ng Brasil;
Portuges:
República Federativa do Brasil) ang pinakamalaking bansa sa
Timog Amerika at ang may pinakamalaking populasyon sa kontinente. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig. Ipinangalan mula sa
brazilwood, isang katutubong puno, ang Brasil ay sagana sa lupang agrikultural at magubat. Portuges ang wikang opisyal ng Brasil.