Ang
Brunei Darusalam (
Malay:
Brunei Darussalam), opisyal na taguri ay
Bansa ng Brunei, Tahanan ng Kapayapaan (, Jawi:
برني دارالسلام), ay isang
bansa na matatagpuan sa hilagang bahagi ng
pulo ng
Borneo, sa
Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng Sarawak,na bahagi ng
Malaysia, maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan sa
Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay magkahiwalay sa dalawa na hinati ng
Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.