Bulkan (diyos)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Hephaistos
Sa mitolohiyang Griyego, si Hefesto, Hephaistos, o Hephaestus ang diyos ng apoy at ng masining na mga gawaing pambakal o pangmetal. May dalawang pangunahing mga mito kung saan siya nagmula. Sa isa, siya ang anak na lalaki nina Zeus at Hera. Sa ikalawa, siya ang anak na lalaking nanggaling kay Hera, kahit na walang katalik na lalaki. Hindi katulad ng ibang mga diyos, ipinanganak siyang mahina at may kapangitan. Asawa niya si Aprodita na diyos ng kagandahan, ngunit hindi matapat kay Hephaistos si Aprodita. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Vulcan (Bulkan) o Mulciber (Mulsiber, ang "tagatunaw" o "manununaw"). Sa mitolohiyang Etruskano, kilala siya bilang si Sethlans.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.