Ang
Bundok ng Sinai (Ingles:
Mount Sinai, o ; Arabeng Ehipsiyo: , literal na "Bundok ni Moises" o "Bundok Moises"; ), na nakikilala rin bilang
Bundok Horeb, ay isang bundok sa
Tangway ng Sinai sa
Ehipto na tradisyunal at pinaka tinatanggap na kinikilalang Pambibliyang Bundok ng Sinai. Subalit, mayroong mga pag-aangking ginawa ng ilang mga manunulat na katulad nina Bob Cornuke, Ron Wyatt at Lennart Moller, na naniniwalang ang totoong lokasyon ng Bundok ng Sinai ay ang Jabal al-Lawz sa
Saudi Arabia. Ang panghuli ay nabanggit nang maraming mga ulit sa
Aklat ng Exodus sa
Torah, sa
Bibliya, at sa
Quran. Ayon sa kaugaliang
Hudyo,
Kristiyano at
Islamiko, ang pambibliyang Bundok ng Sinai ay ang lugar kung saan natanggap ni
Moises ang
Sampung mga Utos ng Diyos.