A
buntal (Ingles:
punch) ay ang hampas o patama ng
kamao. Tinatawag din ang ganitong paghataw, pagbira, pagbanat, o pag-upak na ginagamitan ng kamao (anyo ng kamay habang nakatikom ang mga daliri at palad) bilang
sapok,
suntok,
bigwas,, o
sapungol (mula sa
sapungulin). Ayon sa tinatamaang bahagi ng katawan kapag nanununtok ng katunggali, tinatawag na
sungalngal ang pagsuntok sa
ilong at
sunganga ang pagsuntok sa
panga. Ginagamit ang pagbuntal sa ilang mga
sining ng pakikipaglaban at mga isports na pangkombat, mahigit na sa larangan ng
boksing o
suntukan, kung saan ito lamang ang uri ng teknikong pinahihintulutan.