Ang
buod o
ubod (
sustansiya,
substance sa Ingles) ay ang kalooban ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito. Hindi maaaring umiral ang isang bagay kung wala nito. Mula sa salitang-ugat na "sub" (under; ilalim) at "stare" (to stand; tumayo/tumindig) sa wikang Latin ang salitang "substance" sa Ingles. Kapag nahukay na natin ang paimbabaw na pagkakabalot ng isang bagay, doon pa lamang natin makikita ang pang-ilalim na sandigan ng isang bagay. Masasabi din natin na "pinakapuso" ng isang bagay ang kanyang "buod"/"pinakabuod".