Ang
Myanmar, o ang
Repulika ng Unyon ng Myanmar (
internasyunal:
Republic of the Union of Myanmar), dating
Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng
Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng
Tsina sa hilaga,
Laos sa silangan,
Thailand sa timog-silangan,
Banglades sa kanluran, at
Indya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat).