Ang Republika ng Burundi (internasyunal: Republic of Burundi at dating Urundi) ay isang maliit na bansa sa rehiyon ng Great Lakes sa Aprika. Napapaligiran ito ng Rwanda sa hilaga, Tanzania sa timog at silangan, at ang Demokratikong Republika ng Congo sa kanluran. Bagaman walang pampang ang bansa, halos lahat ng kanlurang hangganan nito ay katabi ng Lawa ng Tanganyika.