Ang
C ang isa sa pinaka-popular na mga
wikang pamprograma ng kompyuter. Ito ay dinisenyo at pinaunlad ni
Dennis Ritchie mula 1969 at 1973 sa Bell Labs. Maraming mga kalaunang wikang pamprogama ay direkta o hindi direktang humiram ng sintaks sa C. Ang mga ito ay kinabibilangan ng C#, D, Go, Java, JavaScript, Limbo, LPC, Perl, PHP, Python, at C Shell ng Unix. Ang C++ ay nagsimula bilang isang preprosesor para sa C at kasalukuyang halos isang superset ng C.