Ang
kamelya (;
Hapones: 椿
Tsubaki;
Ingles:
camellia) ay isang
sari ng mga halamang namumulaklak sa pamilyang Theaceae, katutubo sa silangan at katimugang
Asya mula sa
Himalaya pasilangan patungong
Hapon at
Indonesya. Mayroong mga nabubuhay na 100–250 mga uri, ngunit may ilang kontrobersya sa kung ilan talaga ang tiyak na bilang. Ipinangalan ang
genus o sari ni
Linnaeus sa Hesuwitang
botanikong si Georg Joseph Kamel. Isa itong palaging luntiang halaman na namumulaklak ng bulaklak na parang
rosas at may matamis na halimuyak.