Ang Karibe (Ingles: Carribean; o ; Olandes ; o mas karaniwan Antilles; ) ay isang rehiyon na binubuo ng Dagat Karibe, ang mga pulo nito (karamihan napapalibutan ng dagat), at ang mga nasa paligid na mga baybayin. Matatagpuan ang rehiyon sa timog-silangan ng Gulpo ng Mehiko at Hilagang Amerika, silangan ng Gitnang Amerika, at sa hilaga ng Timog Amerika.