Si
Johann Carl Friedrich Gauss (; , ) (
30 Abril 1777 23 Pebrero 1855) ay isang
Alemang matematiko at
siyentipikong nagmula sa Göttingen,
Alemanya. Nakapag-ambag siya ng malaki sa maraming mga larangan ng pag-aaral, katulad ng
teoriya ng bilang,
estadistika,
matematikal na analisis, heometriya at topolohiyang dipirensiyal,
heodesiya, elektrostatiks,
astronomiya, at
optiks. Karamihan sa kanyang mga gawa ang tungkol sa teoriya ng bilang at astronomiya. Kilala kung minsan bilang
Princeps mathematicorum (
Latin, "ang Prinsipe ng mga Matematiko" o "ang nangunguna sa mga matematiko") at "pinakadakilang matematiko magmula sa sinaunang panahon", nagkaroon siya ng natatanging impluho sa maraming mga larangan ng matematika at agham, at nakahanay bilang isa sa pinakamaimpluwensiyang mga matematiko sa kasaysayan. Tinawag niya ang matematika bilang "ang
reyna ng mga agham.""