Sa mga
mitolohiyang Griyego at
Romano, sina
Castor at
Polux, na tinatawag din bilang sina
Castor at
Pollux o kaya bilang
Castor at
Polydeuces ay kambal na mga lalaking magkapatid, na kapag pinagsama ay nakikilala bilang ang
mga Dioscuro o
Dioscuri ("mga lalaking anak ni
Zeus"). Ang kanilang ina ay si Leda, subalit si Castor ay ang mortal na anak ni Tyndareus na hari ng
Isparta, at si Pollux ay ang dibino o banal na lalaking anak ni Zeus habang si Zeus ay nagbalatkayo bilang isang
gansa. Bagaman ang mga salaysay hinggil sa kanilang kapanganakan ay magkakaiba, paminsan-minsang sinasabi na sila ay ipinanganak magmula sa isang itlog, na kasama sa pagluluwal na ito ang kanilang mga kapatid na babaeng sina
Helena ng Troy at
Clytemnestra.