Ang
Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng
Cavite bago ito ilipat sa
Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng
Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng
Look Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.