Cebu (nobela)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Cebu (nobela)
Ang Cebu ay isang nobelang isinulat ng Pilipino-Amerikanong si Peter Bacho noong 1991. Itinuturing ang akdang ito bilang pinakanakikitang anyo ng pagsulat na pampanitikan mula sa pangalawang salinlahi at katutubong-isinilang na mga Pilipinong Amerikano sa Estados Unidos,. Isa si Bacho sa ilang mga nobelistang mula sa Seattle, Washington noong mga dekada ng 1990 na tumuklas at tumalakay sa kasaysayang pang-lahi at sosyolohiya ng Seattle. Isa ang Cebu sa mga "unang nobelang tungkol sa isang Pilipino-Amerikanong pangunahing kumikilala sa sarili na kabahagi ng mga lokalidad ng Estados Unidos" sa halip na kabahagi ng bansang Pilipinas. Nagwagi ang nobela ng Gantimpalang Aklat Amerikano mula sa Before Columbus Foundation.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.