Si
Dakilang Ciro o
Ciro ang Dakila (
Persiyano: کوروش بزرگ,
Kurosh-e Bozorg) (c. 590 BC o 576 — Agosto 529 BC o 530 BC), kilala din bilang
Ciro II ng Persia at
Ciro ang Nakatatanda (Ingles:
Cyrus the Elder), ay isang pinunong Persyano. Siya ang tagapagtatag ng
Imperyong Persya sa ilalim ng
dinastiyang Achaemenid. Sa pamamahala niya, lumaganap ang imperyo, na sa kalaunan ay sumakop sa halos kalahatan ng
Timog-Kanlurang Asya at karamihan ng
Gitnang Asya, mula
Ehipto at Hellespont sa kanluran hanggang sa o
Indya sa silangan , upang malikha ang pinakamalaking estadong napagmasdan ng mundo. Ang mga buong pamagat ay
Ang Dakilang Hari, ang
Hari ng Persia, ang
Hari ng Anshan, ang
Hari ng Media, ang
Hari ng Babilonya, ang
Hari ng Sumerya at Akkad,
Hari ng apat na mga sulok ng Daigdig. Kanyang inihayag ang itinuturing ng ilan na isa sa unang mahalagang mga deklarasyon sa kasaysayan ng mga
karapatang pantao sa
Silindro ni Ciro sa pagitan ng 539 BCE at 530 BCE. Ang paghahari ni Ciro ay tumagal sa pagitan ng 29 taon at 31 taon. Kanyang itinatag ang kanyang imperyo sa pamamagitan muna ng pananakop ng
Imperyong Medes at pagkatapos ay ng imperyong
Lydiano at kalaunan ay ng
Imperyong Neo-Babilonyano. Sa bago o pagkatapos ng pananakop sa
Babilonya, kanyang pinangunahan ang isang ekspedisyon sa sentral Asya na humantong sa mga pangunahing kampanya na inilarawan bilang nagdala "sa pagpapailalim ng bawat bansa ng walang eksepsiyon". Siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si
Cambyses II na nagawang idagdag sa imperyong Persia ang Ehipto, Nubia at Cyrenaica sa kanyang maikling pamumuno. Ginalang ni Ciro ang mga
relihiyon at kustombre ng mga lupaing kanyang nasakop. Sinasabing sa pangkalahatang kasaysayan, ang papel ng
Imperyong Akemenida na itinatag ni Ciro ay nasa napakatagumpay na modelo nito para sa sentralisadong administrasyon at pagtatatag ng isang pamahalaan na nagtatrabaho para sa kapakinabangan ng kanyang mga nasasakupan. Sa katunayan, ang administrasyon ng impery9o sa pamamagitan ng mga
satrap at ang mahalagang prinsipyo ng pagbuo ng pamahalaan sa Pasargadae ay mga gawa ni Ciro. Si Ciro ay kinikilala rin sa kanyang mga nagawa sa mga
karapatang pantao, politika, stratehiya sa militar gayundin sa kanyang impluwensiya sa mga kabihasnang Silanganin at Kanluranin.