Crocodilia


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Crocodilia
Ang Crocodilia (o Crocodylia) ay isang order ng malalaking mga reptilya na lumitaw noong 83.5 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Huling Kretaseyoso(yugtong Campanian). Ang mga ito ang pinakamalapit na mga nabubuhay na mga kamag-anak ng mga ibon dahil ang dalawang mga pangkat na ito ay mga alam na mga nagpatuloy(survivors) ng Archosauria. Ang mga kasapi ng buong pangkat na kladong Crurotarsi ay lumitaw mga 220 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Triasiko at nagpakita ng isang malawak ng dibersisdad ng mga anyo nito sa era na Mesosoiko. Ang Crocodilia ay kinabibilangan ng mga tunay na buwaya, ang alligator at mga caiman(pamilyang Alligatoridae) at mga gharial(pamilyang Gavialidae) gayundin din ang Crocodylomorpha na kinabibilangan ng mga prehistorikong kamag-anak at mga ninuno ng buwaya. Bagaman ang terminong 'crocodiles' ay minsang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng mga ito, ang isang hindi malabong terminong bernakular para sa pangkat na ito ay ang 'crocodilians'.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.