Ang
DVD (
"Digital Versatile Disc" o
"Digital Video Disc") ay isang
optical disc storage media format na ginagamit sa pag-iimbak ng datos (
data storage), kasama na ang pelikulang mayroong mataas na kalidad ng video at tunog. Kahawig ng mga DVD ang mga
compact disc dahil magkatulad ang sukat nito (120 mm [4.72 pulgada] o minsan ay 80 mm [3.15 pulgada] ang diyametro nito) ngunit naka-
encode sa magkaibang
format at sa mas mataas na densidad. Ang opisyal na paglalarawan o
specification ng DVD ay pinapanatili ng DVD Forum.