Ang
Daang Magatas o
Ariwanas,
Landas na Bituin,
Pulong-Bituin, (
Ingles:
Milky Way) ay isa sa 170 bilyon na mga
galaksiya sa
mapagmamasdang uniberso na naglalaman ng
Sistemang Solar na sistemang kinalalagyan ng
mundo(earth) at iba pang mga
planeta. Ito ay tinatayang naglalaman ng mahigit 200 bilyong mga
bituin at posibleng hanggang 400 bilyong mga bituin. Ang
araw ang isa sa mga
bituin sa galaksiyang Daang Magatas.