Ang
Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang
karagatan, o ng isang malaking
lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng
Dagat Caspian at
Dagat Patay (
Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (
Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan.