Dagat Patay


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Dagat Patay
Ang Dagat Patay o Dagat na Alat ay isang lawang nakalatag sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan. Sa 418 m (1,371 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat, ito ang pinakamababang bahaging nasa ibabaw ng mundo. Halos siyam na ulit na mas maalat ito kaysa dagat. Napakaalat ng Dagat Patay kaya't imposible sa karamihan sa mga may buhay na umiral dito. Ito ang dahilan kung bakit ganito ang pangalan o tawag dito. Subalit, hindi naman ito lubos na patay o walang buhay dahil may ilang uri ng bakteryang nakakapamuhay sa katubigan nito. Dahil napakaalat ng tubig ng lawang ito, mas mabigat ito kaysa tubig-tabang, at madaling nakalulutang ang isang tao na may kaginhawahan. Pumupunta ang mga turista sa Dagat Patay upang makalutang sa tubig nito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.