Si
Alejandro III ng Macedon (20/21 Hulyo 356 – 10/11 Hunyo 323 BCE) na kilala bilang
Alejandro ang Dakila o
Dakilang Alejandro (,
Aléxandros ho Mégas from the Greek
alexo "ipagtanggol, tulungan" +
aner "man") ang hari ng
Macedon na isang estado ng hilagaang
Sinaunang Gresya. Siya ay ipinanganak sa Pella noong 356 BCE. Siya ay inaralan ni
Aristoteles hanggang sa edad na 16. Sa edad na 30, kanyang nilikha ang isa sa pinakamalaking imperyo sa sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa Dagat Ionian hanggang sa mga
Himalaya. Siya ay hindi natalo sa digmaan at itinuturing sa kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander.