Daliri sa paa


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Daliri sa paa
Ang mga daliri sa paa o mga daliri ng paa ay mga bahagi ng katawan ng mga hayop na tinatawag na tetrapod, na kabilang ang tao. Ang mga espesye ng hayop na katulad ng mga pusa na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga daliri sa paa ay inilalarawan bilang dihitigrado. Ang mga tao, at iba pang mga hayop, na naglalakad sa pamamagitan ng mga talampakan ng kanilang mga paa, ay inilalarawan bilang mga plantigrado. Ang mga ungguligrado naman ay ang mga hayop na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga kuko (mga hoof), partikular na ang sa mga dulo ng kanilang mga hinlalaking pampaa. Ang mga hinlalaki ng paa, magmula sa midyal (panggitna) papuntang lateral (panggilid), ay ang mga sumusunod:
  • Hallux ("malaking daliri ng paa"), ang pinaka panloob na daliri ng paa at ang pinaka malapit sa mga daliri ng kabilang paa
  • Pangalawang daliri ng paa o ang "mahabang daliri ng paa"
  • Pangatlong daliri ng paa, o "panggitnang daliri ng paa"
  • Pang-apat na daliri ng paa, or "palansinsingang daliri ng paa"
  • Panlimang daliri ng paa ("maliit na daliri ng paa" o "sanggol na daliri ng paa"), ang pinaka panlabas at pinaka malayong daliri ng paa (mula sa gitna ng katawan)

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.