Ang
Dama, na katumbas na salitang Ingles na
Lady, na maaari ring katumbas ng mga salitang
Binibini (kung
dalaga),
Ginang (kung may
asawa na),
Senyorita (kapag dalaga),
Senyora (kapag may asawa), o
Madam (kung may-asawa, maaari ring
Mesdame,
Madame o
Dame sa Pranses, o kaya
Madamoiselle kapag dalaga), ay isang magalang na katawagan para sa isang
babae, partikular na ang babaeng katumbas o asawa ng isang
Panginoon o Ginoo, at sa maraming mga diwa o konteksto ay isang kataga para sa anumang babaeng
adulto o nasa husto nang
gulang o edad. Sa kadalasan, ito ay tumutukoy sa o may kahulugan bilang isang "
mahinhing babae" o "mahinhing dalaga". Dating tumutukoy nang may katiyakan sa kababaihan na mayroong mataas na uri, klase, o katayuan, sa loob ng huling 300 mga taon ito lumaganap na sumasaklaw sa lahat ng mga babaeng nasa wastong edad o adultong kababaihan, bagaman sa ilang diwa ay maaari pa ring gamitin upang makapukaw ng konsepto ng pamantayang ugali na matatagpuan sa isang
kagalang-galang na babae.