Si Daniel Hudson Burnham, FAIA (Setyembre 4, 1846 – Hunyo 1, 1912) ay isang Amerikanongarkitekto at tagaplano ng lungsod. Isa siya sa mga arkitektong naging responsable sa pagbabago ng abot-tanaw o guhit-tagpuan (skyline sa Ingles) ng mundo. Siya ang nagpanimula ng mga Amerikanongtukudlangit. Siya ang dating Direktor ng mga Pagawain para sa Kolumbyanong Eksposisyon ng Daigdig at nagdisenyo ng ilang mga kilalang mga gusali, kabilang ang Gusaling Flatiron sa Lungsod ng New York at Estasyong Unyon sa Washington D.C., pati na ang Kolumbiyanong Eksposisyon ng Daigdig sa Tsikago ng 1893. Sa Pilipinas, muli niyang dinisenyo ang Maynila at siyang lumikha ng resort sa Lungsod ng Baguio, kabilang ang Liwasang Burnham.