Dario I


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Dario I ng Persiya
Si Dario I ang Dakila (Ingles: Darius I the Great; c. 549 BC - 486 BC/485 BC) ay ang anak ni Hystaspes, at Shah ng Iran mula 522 BC hanggang 485 BC. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang Imperyong Persyano sa dalampu't-dalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ng Persepolis, malapit sa Pasargadae. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang libingan, nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si Jerjes ang naging Shah ng Iran.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.