Si
Dario I ang Dakila (
Ingles:
Darius I the Great; c.
549 BC -
486 BC/
485 BC) ay ang anak ni Hystaspes, at Shah ng
Iran mula 522 BC hanggang 485 BC. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang
Imperyong Persyano sa dalampu't-dalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga
Hudyo ang Templo ni Solomon sa
Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa
Ehipto. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ng
Persepolis, malapit sa Pasargadae. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang
libingan, nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si
Jerjes ang naging Shah ng Iran.