Ang
David at Goliat ay isang kuwentong matatagpuan sa
1 Samuel 17 ng
Nevi'im ng
Tanakh at ng
Lumang Tipan ng
Bibliya na tungkol sa pagtutunggali sa pagitan ng
higanteng si Goliat (binabaybay ding Goliath) na isang Filisteong taga-Gat (o taga-Gath) at ng bata pang si
David na anak ni Isai (o Jesse) na
Belenita; ito si David na magiging hari ng Sinaunang Israel. Nilarawan ang salaysay na ito bilang "ang pinakatanyag na sagupaan" o konprontasyon "ng kasaysayan" sa
500 Questions & Answers from the Bible (o "500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya") na pinatnugutan ni Mark Fackler.