Si
Dennis MacAlistair Ritchie (September 9, 1941-October 12, 2011) ay isang
Amerikanong siyentipiko ng kompyuter na "nakatulong sa paghubog ng panahong digital". Kanyang nilikha ang
wikang pamprograma na
C at kasama si Ken Thompson sa paglikha ng
sistemang operatibo na UNIX. Natanggap nina Ritchie at Thompson ang Gantimpalang Turing noong 1983, ang medalyang Hamming mula sa IEEE noong 1990 at ang Pambansang Medalya ng Teknolohiya mula sa dating Pangulo ng
Estados Unidos na si
Bill Clinton noong 1999. Si Ritchie ang pinuno ng Kagawaran ng Pagsasaliksik ng Sopwer ng Lucent Technologies nang siya ay magretiro noong 2007. Siya ang
R sa K&R C at kilala sa kanyang pangalanng tagagamit na dmr.