Sa
kalkulo, ang
diperensiyasyon (Ingles:
differentiation) ay isang paraan upang kwentahin ang
deribatibo (Ingles:
derivative) na tumutukoy sa sukat ng pagbabago ng isang
punsiyon ayon sa isang ibinigay na input. Kung ang input ng punsiyon ay kumakatawan sa oras, ang deribatibo ay kumakatawan sa pagbabago ng punsiyon ayon sa pagbabago ng oras. Halimbawa, kung ang
punsiyong y=f(x) ay tumatanggap ng oras bilang input at ang output ang posisyon ng bola sa oras ng ibinigay na input, ang deribatibo ng f(x) ang pagbabago ng posisyon ng bola sa ibinigay na oras o ang
belosidad ng bola.