- Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.
Ang
Aklat ng Deuteronomio ay ang panlima at pinakahuling aklat ng
Torah o
Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang
Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang
bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa
Diyos sa
Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni
Moises para sa bayang
Israel, bago siya sumakabilang-buhay.