Dharma, mula sa Sanskrit, nangangahulugang "Batas", "Landas" o "Katotohanan". Ito ay isang konseptong pilosopikal na may malalim na kahulugan. Ginagamit ang terminolohiyang ito ng mga
relihiyon partikular na yaong mga nagugat sa
Indya. Kabilang sa mga relihiyong ito ang
Hinduismo (
Sanatana Dharma:
"Walang hanggang Dharma"), at
Budismo (
Buddha Dharma:
"Dharma ng Naliwanagan" o
"Dharma ng Gising") at mga iba't-ibang sekta na nagugat sa mga relihiyong ito.