Ang
Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder(DSM-IV-TR) ay inilimbag ng American Psychiatric Association at nagbibigay ng isang karaniwang wika at pamantayan para sa pag-uuri ng mga
sakit sa pag-iisip. Ito ay ginagamit sa Estados Unidos ng Amerika at sa iba't ibang bansa buong mundo, ng mga klinisyan, mga mananaliksik, mga ahensya ng regulasyon para sa mga saykayatrikong gamot, mga kumpanya ng insurans pangkalusugan, mga kumpanyang parmasyutikal, at mga pulitikong mambabatas. Ang DSM ay umakit ng papuri gayundin ang mga kritisimo. Nagkaroon ng limang mga pagbabago simula ng ito ay ilimbag noong 1952 at dahan-dahang nagdagdag ng mga marami pang
sakit sa pag-iisip, bagaman ang ilan ay inalis na at hindi na isinasaalang-alang na
sakit sa pag-iisip katulad ng
homoseksuwalidad.