Ang Kaharian ng Dinamarka o Kaharian ng Denmark (internasyunal: Kingdom of Denmark, Danes: Kongeriget Danmark) ay ang pinakamaliit na bansang Nordiko sa heograpiya at bahagi ng Unyong Europeo. Matatagpuan sa sa Scandinavia, na nasa hilagang Europa. Nasa Dagat Baltic at Hilagang Dagat ang mga hangganan nito, at binubuo ng isang peninsulang nakakabit sa Hilagang Alemanya pinangalang Jutland (Jylland sa Danes), ang mga pulong Funen (Fyn), Zealand (Sjælland), Bornholm at maraming mga malilit na pulo, kadalasang tinutukoy ang mga tubig bilang Kapuluang Dansk. Nasa hilaga ng Alemanya, timog-kanluran ng Sweden at timog ng Norway. Mga Koronang teritoryo ang Greenland at ang Mga Pulo ng Faroe ng Denmark, na may debolusyon ang bawat isa.