Sa mitolohiyang Griyego, si Dioniso, Dionysos, o Dionysus ang itinuturing na diyos ng alak at diyos ng mga baging. Anak na lalaki siya ni Zeus kay Semele, isang babaeng tao. Si Dionisio ang huling diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Baco o Bacchus.