- Para sa ibang gamit, tingnan Hiboti (paglilinaw).
Ang
Republika ng Hiboti (
internasyunal:
Republic of Djibouti,
Arabo: جيبوتي,
Ǧībūtī) ay isang bansa sa silangang
Aprika, matatagpuan sa Sungay ng Aprika. Napapaligiran ito ng
Eritrea sa hilaga,
Ethiopia sa kanluran at timog, at
Somalia sa timog-silangan. Binubuo ng
Dagat Pula at
Golpo ng Aden ang natitirang mga hangganan. Sa kabilang ibayo ng Dagat Pula, sa
Peninsulang Arabo, matatagpuan ang
Yemen 20 km mula sa pampang ng Djibouti.