Si
Dmitri Ivanovich Mendeleev, na ang apelyido ay may romanisasyon din mula sa Ruso bilang
Mendeleyev o
Mendeleef (; 8 Pebrero 1834 – 2 Pebrero 1907
O.S. 27 Enero 1834 – 20 Enero 1907) ay isang
Rusong
kimiko at
imbentor. Nilikha niya ang unang bersiyon ng
talahanayang peryodiko ng mga
elementong pangkimika, at ginamit iyon upang hulaan ang mga katangiang pag-aari ng mga elementong matutuklasan pa lamang sa hinaharap.