Ang Doktrinang Truman (Ingles: Truman Doctrine) ay isang kumpol ng mga prinsipyo ng banyagang patakaran ng Estados Unidos na ipinahayag ni PangulongHarry S. Truman noong 1947 na nakasulat para sa Kongreso para humingi ng $ 400 milyon para sa pagtulong sa Gresya at Turkiya. Ito rin ang nagsasaad ng pahintulot na magpadala ng Amerikanong ekonomiko at militar na tagapagpayo sa dalawang bansa.