- Huwag ikalito sa Republikang Dominikana.
Ang
Dominika (Ingles:
Dominica, ) opisyal na
Komonwelt ng Dominika, ay isang pulong bansa sa
Dagat Karibe. Sa hilaga-hilagang kanluran nito ay ang Guadeloupe, sa timog-silangan naman ang
Martinique. Mayroon itong sukat na 754 km2 at ang pinakamataas na ituktok sa loob ng bansa ay ang Morne Diablotins, na may elebasyong 1447 m. Ang Komonwelt ng Dominika ay tinatayang may populasyon ng 72,500 katao. Ang kabisera ay ang Roseau.