Ayon sa paniniwalang kristiano at judismo, si
Eba (
Ingles:
Eve;
wikang Kastila:
Eva ang unang
babae, ang pangalawang
tao, at ang
asawa ni
Adan. Ito ay nababasa sa
Aklat ng Henesis sa
Lumang Tipan ng
Bibliya Nilikha ng Diyos si Eba mula sa tadyang ni Adan bilang kaniyang katuwang at katulong sa pamumuhay. Natukso si Eba ng
ahas para kainin ang pinagbabawal na bunga mula puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Hinimok niya si Adan na sumalo sa pagkain ng bunga, kaya't bilang resulta, nalaman nila na sila'y hubad at sila ay pinalayas ng Diyos mula sa
Hardin ng Eden at isinumpa sila kasama ang ahas na nangdaya sa kanila.