Ang
Ebanghelyo ni Marcos o
Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos ang ikalawang
ebanghelyo sa
Bagong Tipan ng
Bibliya. Ayon sa tradisyonal na paniniwala, ito ay isinulat ni Juan Marcos na kasama ni
Apostol Pedro. Ayon naman sa karamihan ng mga skolar ng
Bibliya, ang may-akda nito ay isang hindi alam na Kristiyano at ang ebanghelyong ito ang pinakauna sa tatlong pang mga ebanghelyo sa
kanon ng Bagong Tipan(Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ang aklat na ito ay isinulat noong mga 70 CE sa Syria at pinagbasehan ng
Ebanghelyo ni Mateo at
Ebanghelyo ni Lucas. Ang karamihan sa mga iskolar ng
Bibliya ay naniniwala na dinagdag lamang ang Marcos 16:9-20 sa mga kalaunang
manuskrito ng aklat na ito dahil wala ito sa mga sinaunang manuskrito nito. Sa ibang bersyon nilagyan ito ng titulong "Ang Mahabang Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos." Ngunit ibinibigay din ang maiksing bahagi bilang
Ang Maikling Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos.