Ebanghelyo ni Marcos


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ebanghelyo ni Marcos
Ang Ebanghelyo ni Marcos o Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos ang ikalawang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon sa tradisyonal na paniniwala, ito ay isinulat ni Juan Marcos na kasama ni Apostol Pedro. Ayon naman sa karamihan ng mga skolar ng Bibliya, ang may-akda nito ay isang hindi alam na Kristiyano at ang ebanghelyong ito ang pinakauna sa tatlong pang mga ebanghelyo sa kanon ng Bagong Tipan(Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ang aklat na ito ay isinulat noong mga 70 CE sa Syria at pinagbasehan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ang karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ay naniniwala na dinagdag lamang ang Marcos 16:9-20 sa mga kalaunang manuskrito ng aklat na ito dahil wala ito sa mga sinaunang manuskrito nito. Sa ibang bersyon nilagyan ito ng titulong "Ang Mahabang Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos." Ngunit ibinibigay din ang maiksing bahagi bilang Ang Maikling Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.