Ang
Ebanghelyo ayon kay Mateo o
Ebanghelyo ni Mateo ay ang
ebanghelyo sa
Bagong Tipan ng
Bibliya na sinulat ni
Mateo. Ito ang unang ebanghelyo ng Bagong Tipan. Kaugnay ito ng sagisag na "
tao" dahil nagsisimula ang aklat ni San Mateo sa pagtunton ng mga pangalan ng ninuno ni
Hesus ayon sa laman. Isa itong ebanghelyong sinoptiko, kasama ng mga ebanghelyo nina
Marcos at
Lucas.