- Para sa kathang-isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng isang planeta, tingnan ang Ekwador.
Ang
Republika ng Ecuador ay isang bansa sa hilaga-kanlurang
Timog Amerika, napapaligiran ng
Colombia sa hilaga,
Peru sa silangan at timog at
Karagatang Pasipiko sa kanluran. Kabilang din sa bansa ang
Mga Pulo ng Galápagos (Archipelago de Colón) sa Pasipiko, mga 965 km (mga 600 mi) kanluran sa pangunahing lupain. Pinangalan sa
Español na salita para sa
ekwador, tumitimbuwang ang Ecuador sa ekwador at mayroong kalakhan na 272,045 km² (105,037 mi²).
Quito ang kapital ng bansa.